Sinong may sabing mga bata lamang ang puwedeng mangolekta ng Pokémon stuffed toys?

All-out ang Pokémon stuffed toys ni Vincent Lubuguin, OFW sa Singapore, matapos niyang ibahagi ang kaniyang work-from-home setup na Pokémon-inspired, sa kaniyang Facebook post sa group na 'Home Buddies.'

Aniya, hindi naman masama kahit na adult ka na at nangongolekta ka pa rin ng mga laruan. Wala naman umano sa kasarian o edad ang mag-enjoy sa mga laruan, gaya ng Pokémon stuffed toys. Kung ito ang paraan upang makapag-cope up sa mga pagsubok sa buhay, bakit kailangang mag-alinlangang gawin ito?

"Hi mga kapitbahay, just want to share my stress-free zone/safe zone where I do my hobbies, play games, watch TV. Masayang-masaya akong surrounded ako ng toys, ang sarap sa pakiramdam na lagi ako nareremind ng childhood years ko yung masaya lang, walang iniisip na problema," aniya.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

image.png
Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

image.png
Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

image.png
Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

May be a closeup of 1 person and indoor
Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

May be an image of 2 people and footwear
Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

Larawan mula sa FB/Vince Lubuguin

"Malaking tulong to sa akin yung toys to cope up with struggles in life lalo na kapag nalulungkot kasi hindi makauwi sa Pinas para makasama ulit family (OFW po ako). Ayun, toys are not only for kids. It's for everyone to enjoy. Walang gender. Walang age. Importante masaya, masaya ma-feel maging bata palagi," dagdag pa niya.

Masaya umano siya na maraming natutuwa sa kaniyang Pokémon-inspired work-from-home corner.

"Masaya at nakakaalis ng pagod makita yung mga collection ko na nakadisplay sa ginawa kong workstation. Masarap din sa pakiramdam na maraming natutuwa at nagpapakita ng suporta sa mga ginagawa kong designs. Sana makapag-inspire ako ng ibang tao na makagawa ng iba’t ibang designs gamit ang kanilang collections," pahayag niya sa panayam ng Balita Online.

Si Vincent Lubuguin, 30, ay isang technical officer for 2D and 3D construction drawings sa Singapore.