Isa na namang panibagong pagtaas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin sa merkado ang inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kabila ng naghihingalong ekonomiya at kawalan ng pagkakakitaan ng karamihang Pinoy bunsod ng matinding epekto ng pandemya sa bansa.
Sa pahayag ng DTI, pinaboran nila ang bagong hirit ng ilang manufacturers na magtaas ng presyo sa kanilang produkto dahil sa patuloy na pagtaas ng presyuhan ng raw materials at product packaging.
Partikular sa mga may kasadong dagdag-presyo, depende sa brand ay ang canned meats, sardinas, noodles, gatas, kape,suka, patis, toyo,asin, at sabon panlaba.
Sa abiso ng DTI, may price increase na₱1.75 sa luncheonmeat;₱0.45 hanggang₱1.50 sa meat loaf;₱0.55-₱1.50 sa beef loaf;₱0.75-₱2.75 sa corned beef;₱0.50-₱0.75 sa canned sardines;₱0.25 sa noodles;₱0.50-₱1.25 sa condensada;₱0.25-₱1.00 sa evaporada;₱0.50-₱1.35 sa powdered milk;₱0.30-₱0.60 sa coffee refill;₱0.15-₱0.50 sa coffee3-in-1;₱0.45-₱1.80 sa vinegar;₱0.60-₱3.10;₱0.55-₱2.15 sa soy sauce;₱0.90-₱2.85 sa iodized rock salt;₱0.20-₱2.20 sa iodized salt;₱0.50-₱1.00 sa detergent; at₱0.25-₱1.50 sa toilet soap.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo,halos dalawang taon na rin na hindinakapagpatupadng dagdag na presyo sa ilang pangunahing bilihin at aniya ayaw ng ahensya namaisakripisyopa at mawalan ng trabaho ang mga manggagawa ng mga naturang manufacturers dahil sa patuloy na krisis.
Bella Gamotea