Walang kinikimkim na galit si Senator Manny Pacquiao sa grupo ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.
Ito ang paglilinaw ng senador at sinabing hindi rin siyamakikipagdayalogosaPartido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) na pinamumunuan ng nabanggit na miyembro ng Gabinete sa mga darating na araw.
Gayunman, aminado si Pacquiao na hindi pa siya handang makipagpulong sa grupo ni Cusi dahil marami pang bagay na dapat ikonsidera sa kasalukuyan, katuladng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kahirapan at kawalan ng trabaho.
Naiulat na isinusulong ng paksyon ni Cusi na kumandidato sina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente, ayon sa pagkakasunod, sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2022.
Nauna nang inihayag ng PDP-Laban na kinukumbinsi nila si Pacquiao na huwag nang tumakbo sa 2022 elections at sa halip ay kumandidato na lamang ulit ito bilang senador.
“I am not ready for that because we are still considering a lot of things.Ako po bilang Christian, hindi po ako galit kay Cusi. Hindi po ako galit sa kanyang grupo," paglilinaw ni Pacquiao.
Pagdadahilan ni Pacquiao, uunahin niya muna ang pagresolba sa nararanasang health crisis sa bansa at paghahanap ng solusyon sa mga problema ng bansa.
“Ano man political career na 'yan, ang Partido, ang problema madaling pag-usapan 'yan pagdating ng panahon kapag maresolba na natin ang ating hinaharap na pandemyang ito," katwiran ng senador.
Umaasa rin si Pacquiao na magdedesisyonnang naayonsa batas ang Commission on Elections (Comelec) upang maideklaraang lehitimong partidong PDP-Laban.
Tiniyak din nito na hindi niya iiwan ang mga sumuporta sa kanya sa gitna ng pakikipaglaban nito sa partido, kabilang na si Senator Aquilino Pimentel III.
“Naniniwala ako sa Comelec na magdedesisyon sila nang tama kung sinong nararapat at saan nararapat na Partido, especially ang bumuo ng Partido eh 'yung Pimentel family," pagbibigay-diin nito.
Hind pa rin aniya nito masabi kung tatakbo siya sa eleksyon.
“Pag tumakbo kasi ako, gusto ko maging effective ako. Kung ano maging decision ko, gusto ko 'yung maa-accomplish ko 'yung pangarap ko para sa bayan," pahayag pa ng senador.
Hannah Torregoza