Pumalo na sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na makapagtala pa ng 14,216 bagong kaso nito ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.

Sa case bulletin No. 536 ng DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,003,955 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Setyembre 1.

Sa naturang total cases, 7.0% pa o 140,949 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa sakit at maaari pang makahawa.

Sa aktibong kaso naman, 96.1% ang mild cases, 1.2% ang severe, 1.1% ang asymptomatic, 1.03% ang moderate, at 0.6 % ang kritikal.

National

Amihan, shear line, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

Umabot din sa 18,754 ang mga pasyenteng bagong gumaling mula sa karamdaman kaya’t umaabot na sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa 1,829,473 o 91.3% ng total cases.

Naitala pa ng DOH ang 86 na pasyenteng binawian ng buhay sanhi ng virus. 

Sa kabuuan, umaabot na ngayon sa 33,533 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.67% ng total cases.

Mary Ann Santiago