Ang pagiging kampante ng publiko ay isa sa maaaring dahilan kung kaya’t patuloy ang paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ayon sa isang eksperto nitong Miyerkules, Setyembre 1.

“Hindi po ngayon ‘yung time na mapagod kahit pagod na pagod na tayo.”

Sa isang virtual briefing, binanggit ni Dr. Karl Henson ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases na maraming dahilan ang nakikita sa kasalukuyang surge ng virus mula sa mas nakahahawang Delta variant.

“Ang Delta variant, sa mga walang bakuna ‘yung amount of virus in the nose is 1000 times higher than the older versions of the virus. So kapag di naka-properly suot ang face mask at face shield mas madali talaga ipasa ‘yung virus,” sabi ni Henson.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Marami pong kaso ngayon na pami-pamilya po. It’s in the house na nagtatanggal tayo ng face mask, face shield, and our personal protective equipment (PPEs). Marami pong rason and definitely po ‘yung complacency can be one of those reasons,” dagdag ng eksperto.

Nitong Lunes, Agosto 30, nagtala ang bansa ng isa na naman ng highest-ever COVID infections na umabot sa 22, 366 sa loob lang isang araw.

Ayon sa kamakailan lang na survey, 89 percent lang ng mga Pilipino asa bansa ang gumagamit ng face masks habang 70 percent lang ang gumagamit ng face shields.

“Nakakalungkot po yung numero ng pagbaba… Majority pa din are doing the appopriate protection kailangan lang po talaga na mas pataasin at mas ma-remind naitn sila about the minimum health standards,” sabi ng eksperto.

Sa suri ng eksperto, maari itong manipestasyon ng “quarantine fatigue.”

“That’s very possible. We have been dealing the pandemic since the beginning of 2020. Pinapa-stay po natin ang mga tao sa bahay, mga bata, mga matatanda,” sabi ni Henson.

“Hindi po mahirap isipin na pagod na pagod na yung mga tao sa mga public health measures na ito. Ngayon po na may surge, I think now is not the time na mapapagod dapat tayo,” pagpupunto ni Henson.

““Particularly, kapag hindi po kayo nakapaghugas ng kamay at mayroon kayong virus sa kamay, hindi niyo madaling nakukusot yung mata niyo and that is actually extra protection for the people,” pagbibigay-diin ni Henson.

“Hindi pwedeng face shield on its own, kailangan may face masks. Importanteng matakpan ang iyong ilong, bibig, para hindi malanghap yung COVID,” dagdag ni Henson.

Samantala, pinayuhan ng eksperto ang gobyerno na patuloy na suriin ang mga datos na maaaring makatulong sap ag-improve ng mga rekomendasyon para sundin ng publiko ang minimum health standards.

Jaleen Ramos