Nagpatupad na ang isang kumpanya ng langis ng dagdag-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng "ber" months nitong Setyembre 1.
Sa anunsyo ng Petron, ipinatupad ang pagtataas ng₱0.65 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P7.15 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na LPG tank nito.
Bukod dito, ipinatupad din ng Petron ang P0.36 na taas-presyo sa kada litro ng kanilang Auto LPG.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kahalintulad na price hike sa cooking gas.
Ipinatupad ang hakbang bunsod ng paggalaw sa contract price ng LPG sa international market.
Nitong Agosto 1, huling nagtaas ang kumpanya ng₱3.35 sa presyo ng regular LPG tank at₱1.87 sa presyo naman ng Auto LPG nito.
Bella Gamotea