Sa pagpasok ng Digital Age, isa sa mga kinahihiligan ng mga tao ngayon ang paggamit ng internet at pagtambay sa iba't ibang mga social media platforms. Isa sa mga pinakasikat na madalas tambayan ng mga netizen ay ang YouTube. Kaya naman, umusbong ang tinatawag na "vlogging" o video blogging ng ilang mga karaniwan o sikat man.

Masasabing malaki ang kinikita sa vlogging, lalo na kapag na-hit ang target na subscribers at view per day. Batay sa AdSense revenue, ang isang YouTuber sa Pilipinas ay maaaring kumita ng ₱50,000 hanggang ₱80,000 per 1 million views. Ito ay may katumbas na ₱0.5 – 0.8 bawat viewer o ₱50 –₱80 pesos sa 1000 views.

Upang matiyak naman ang views na ito, kinakailangang magkaroon ng at least 1,000 subscribers at 4,000 watch hours ang isang YouTuber sa loob ng isang taon. Kapag na-achieve ito, maaari nang mag-aplay para sa YouTube's Partner Program, upang ma-monetize ang kanilang YT channels sa pamamagitan ng ads, subscriptions, at channel memberships. Mas malaki naman umano ang makukuhang kita kapag international ang market ng content ng vlogs: ang isang American viewer daw ay katumbas ng apat na Filipino viewers. Ang sikreto: mas maraming videos at views, mas malaki ang pasok ng kita.

Iba pa rin ang kinikita ng mga vloggers sa endorsement. Kadalasan, ang pinipili ng mga kompanya para maging endorser ng kanilang produkto ay maraming subscribers at panalo ang views sa bawat vlogs na lumalabas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sino-sino nga ba ang mga sikat na Pinoy vloggers sa Pilipinas?

Alex Gonzaga

Si Alex Gonzaga na yata ang isa sa mga 'most well-known YouTube personalities.' Click sa mga tao ang kaniyang pagpapakuwela, simula nang ilunsad niya ang kaniyang sariling YT channel noong 2017. Siya rin ang nag-impluwensya sa kaniyang ate na si Toni Gonzaga upang pasukin na rin ang vlogging. Kamakailan lamang ay nagkaroon na rin ng sariling YT channel ang kanilang mga magulang na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty. As of this writing ay may halos 11.3 million subscribers na siya. Tinatayang aabot sa bilyong piso ang kinikita niya kada taon, dahil bukod sa milyon-milyon ang views ng bawat vlogs ni Alex, nakadaragdag din sa kaniyang kita ang mga product endorsements na nagnanais maitampok sa kaniyang vlogs.

Sa panayam ni Boy Abunda noon kay Alex sa "Inside the Cinema with Boy Abunda" noong 2019, ibinahagi ni Alex ang ilang mga detalye kung paano nga ba kumikita sa YouTube vlogging.

Aniya, “When you have an international audience, ang one American audience is equivalent to four Filipinos, one is to four. So ‘yung cpm (cost per mille), ‘pag ang audience mo American or international, mas malaki ang rate na makukuha mo sa ads. Kasi kumukuha lang kami ng percentage."

“When a big company or multinational company goes to YouTube-parang ABS-they would say, ‘We want to give this much money.’ YouTube would say, ‘Okay, you choose from the Google-preferred kung kanino mo gustong pumasok ang ads mo. So kunyari naroon ako, if they are gonna give $10 million, parang 5 percent or 3 percent will go to you. Kasi pinili ka nila na most of your videos sila lalabas," dagdag pa niya.

Minsan din, hindi umano namomonetize ang isang vlog kahit na milyon na ang views nito, lalo na kapag may insensitibong nilalaman ito, o may isyu ng copyright. Halimbawa, may isang awitin o kanta na hindi sinasadyang marinig sa vlog, hinahabol ito ng singer o ng kompanya at hindi nababayaran ang naturang vlog. 'Demonetization' umano ang tawag dito.

Alex Gonzaga, defensive? – Tempo – The Nation's Fastest Growing Newspaper
Larawan mula sa Tempo

Ivana Alawi

Marami ang natutuwa sa nilalaman ng vlog ng Kapamilya star na si Ivana Alawi dahil ipinakikita niya ang kaniyang simpleng pamumuhay, kahit na "intimidating" umano siya dahil sa kaniyang kagandahan at kaseksihan. Naging trending ang isa sa kaniyang mga vlogs na siya ay naglalaba na walang suot na bra. As of this writing ay may 13.8 million subscribers na siya. Tinatayang aabot din sa bilyong piso ang kinikita niya kada taon, dahil milyon-milyon din ang views ng kaniyang mga vlogs, isama pa ang mga endorsements.

Ivana Alawi applauded for recent vlog – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Mimiyuuuh

Si Mimiyuuh o Jeremy Sancebuche sa tunay na buhay ay vlogger, model, comedian, at endorser. Una siyang nakilala sa pagsasagawa ng "Mukbang" o pagkain sa harap ng camera. Noong 2019, pumatok ang kaniyang pangalan dahil sa pagsali niya sa viral video challenge of the song "Dalagang Pilipina" ng ALLMO$T. Sa ngayon ay inaabangan ang kaniyang mga collaboration sa iba pang mga sikat na celebrities. Nakabili na siya ng sariling bahay at kotse para sa kaniyang mga magulang. As of this writing ay may 4.09 million subscribers na siya, at tinatayang nasa lagpas ₱2M ang kinikita niya bawat taon.

Feeling the pressure? Here's Mimiyuuuh's advice – Manila Bulletin
Larawan mula sa IG/Mimiyuuuh

Wil Dasovich

Matapos ang pagsali at hindi pinalad na manalo sa Pinoy Big Brother, nagdesisyon si Wil na maging isang vlogger noong 2016. Kadalasan sa mga subject niya ay travel o pagtatampok ng iba't ibang magagandang tanawin at pasyalan sa Pilipinas. Ibinahagi rin niya ang journey kung paano siya naka-survive sa sakit na colon cancer. Siya ay boyfriend ng sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao. As of this writing ay may 928,000 subscribers na siya. Tinatayang aabot sa ₱800,000 hanggang ₱1M ang kaniyang kita kada taon.

Wil Dasovich on the importance of health – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Benedict Cua

Si Benedict Cua ay certified hottie at crush ng bayan. Kinaaaliwan ng kaniyang mga subscribers ang kaniyang sense of humor, at syempre, isama pa ang kaniyang easy-go-lucky looks. Nagsimula siya sa vlogging noong 2018 naka-collab na rin sina Mimiyuuuh at aktres na si Kristel Fulgar. Nagkaroon na rin ng sariling YT channel ang kaniyang kapatid na doktor na si Doc Jerry Cua. As of this writing ay may 1.59 million subscribers na siya. Tinatayang aabot din sa ₱800,000 hanggang ₱1M ang kaniyang kita kada taon.

Benedict Cua renews deal with PolyEast Records, drops new single 'Something  Beautiful' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Pamela Swing

Sinimulan niya ang kaniyang YT channel noong 2014 tungkol sa make-up, fashion, lifestyle, travel, at online gaming. Patok din sa kaniyang subscribers ang kaniyang unique at nakaaaliw na personalidad. As of this writing ay may 2.47million subscribers na siya. Sa tantiya ay aabot sa ₱500,000 hanggang ₱700,000 ang kaniyang kita kada taon.

Pamela Swing Biography and Lifestyle - YouTubersWikipedia
Screenshot mula sa YT/Pamela Swing

Toni Fowler

Isa na yata sa mga kontrobersyal na internet star si Mommy Toni Fowler dahil sa kaniyang makulay na buhay-pag-ibig. Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang kaniyang pagsasailalim niya sa proseso ng 'Thermiva' o labia and vaginal tightening and rejuvenation. As of this writing ay may 6.06 million subscribers na siya. Masasabing aabot sa ₱700,000 hanggang ₱800,000 ang kaniyang kita kada taon.

Toni Fowler Biography, Age, Real Name, Daughter, Net Worth – GossipCrux |  Daughter, First daughter, Biography
Larawan mula sa IG/Toni Fowler

Raiza Contawi

Si Raiza ay isa sa mga kinatutuwaang make-up vloggers sa Pilipinas. Ang nilalaman ng kaniyang vlogs ay tungkol sa make-up, beauty tips, at day-in-a-life. As of this writing ay may 617,000 subscribers na siya. Tinatayang kumikita siya ng ₱700,000 hanggang ₱800,000 ang kaniyang kita kada taon.

Raiza Contawi - YouTube
Screenshot mula sa YT/Raiza Contawi

Camille Co

Si Camille ay isang OG blogger. Karaniwan sa nilalaman ng kaniyang vlogs ay tungkol sa influencer marketing, beauty and fashion, travel, at pang-araw-araw na pamumuhay nila ng kaniyang mister. As of this writing ay may 196,000 subscribers na siya. Batay sa kaniyang vlogs, maaaring kumikita siya ng ₱300,000 hanggang ₱400,000 kada taon.

Camille Co - YouTube
Screenshot mula sa YT/Camille Co

Anne Clutz

Nagsimula si Mommy Anne sa vlogging noong 2013, at ang karaniwang nilalaman ng kaniyang vlogs ay tungkol sa pagluluto, beauty, at mom-related topics. Binanggit niya na ang susi sa pagtatagumpay bilang isang YouTuber ay pagiging malikhain, masipag, at totoo sa sarili. Mahahalata raw kasi ng mga subscribers na nagpapanggap lamang ang isang vlogger. As of this writing ay may 1.08 million subscribers na siya. Tinatayang kumikita siya ng ₱200,000 hanggang ₱300,000 kada taon.

Anne Clutz - YouTube
Screenshot mula sa YT/Camille Co

Anna Cay

Isa si Anna sa mga pinakamayayamang YouTube star dahil umaabot umano ang kaniyang net worth sa $1 Million hanggang $3 million, dahil nagmula talaga siya sa mayamang pamilya, ayon sa pananaliksik ng Forbes at Business Insider. Nagtapos siya ng engineering sa Mapua Institute of Technology, subalit nang makatapos siya ng pag-aaral, nagpokus siya sa jewelry business ng kaniyang pamilya. Passion lamang niya ang vlogging. Karaniwang nilalaman ng kaniyang vlogs ang day-in-a-life, Mukbang, travel, at iba pang mga gawain niya. As of this writing ay may 945,000 subscribers na siya. ₱200,000 hanggang ₱500,000 kada taon ang maaaring kinikita niya bawat taon.

Anna Cay - YouTube
Screenshot mula sa YT/Anna Cay

Small Laude

Kung gusto mong silipin ang buhay ng isang 'alta sosyedad,' panoorin ang mga vlogs ni Small Laude. Ipinakikita ng vlogs niya ang tipikal na buhay ng isang elitista ngunit hindi naman nakaka-intimidate sa masa. Karamihan sa mga kaibigan niya ay nasa showbiz. Dahil sa kaniyang matagumpay na vlogging, kinuha siyang host ng Metrostyle. As of this writing ay may 232,000 subscribers na siya. Tinatayang kumikita siya ng ₱100,000 hanggang ₱200,000 kada taon.

Small Laude - YouTube
Screenshot mula sa YT/Small Laude

Cong TV

Si Lincoln Cortez Velasquez na mas kilala bilang Cong TV, ay kilala sa kaniyang mga patawa at kuwelang vlogs na talaga namang nakapagpapawala sa stress ng kaniyang mga subscribers. As of this writing ay may 8.71 million subscribers na siya. Sa laki ng kaniyang views na umaabot sa milyon, maaaring kumikita siya ng ₱800,000 hanggang ₱2M ang kaniyang kita kada taon.

WATCH: Cong TV trends online with vlog on vloggers – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Michelle Dy

Si Michelle Dy naman ay nakilala sa kaniyang pagiging "kikay." Karamihan sa nilalaman ng kaniyang vlogs ay tungkol sa skin care, beauty, at fashion. Isa siya sa mga Pinoy vloggers na pinakamatagal na sa larangang ito. Bago niya pasukin ang vloggong, nagsulat muna siya sa isang blog site na ang pangalan ay “Beauty in Every Corner.” Ang nagpakilala sa kaniya sa vlogging ay mga kaibigan niya. As of this writing, may 3.14 million subscribers na siya. Batay sa kaniyang vlogs, maaaring kumikita siya ng ₱300,000 hanggang ₱600,000 kada taon.

Michelle Dy - YouTube
Screenshot mula sa YT/Michelle Dy

Kimpoy Feliciano

Isa na yata sa mga pinakasikat at kinakikiligang YouTube star ay si Kimpoy Feliciano. Sa katunayan, na-nominate siya bilang 'YouTuber of the year.' Lumabas na rin siya sa ilang mga palabas sa telebisyon sa GMA Network dahil sa kaniyang kasikatan. Naging bahagi siya ng Miss Saigon cast sa New Zealand, matapos niyang manirahan doon noong 2008. As of this writing ay may 1.6 million subscribers na siya. Batay sa kaniyang vlogs, maaaring kumikita siya ng ₱400,000 hanggang ₱600,000 kada taon.

Screenshot mula sa YT/Kimpoy Feliciano

Samantala, may mga sikat na YouTubers naman ang sumakabilang-buhay na o itigil na ang vlogging, kahit na marami na silang subscribers. Isa na rito ang sikat na si Lloyd Cadena o mas kilala sa tawag na "Kween Lloyd." As of this writing ay may 5.87 million subscribers na siya. Namatay siya dahil sa atake sa puso dulot umano ng COVID-19 noong 2020. Bago siya pumanaw, naturuan niyang mag-vlog ang kaniyang mga kaibigang kasapi ng "Bakla ng Taon" o BNT na nagba-vlog na rin at kumikita na rin. Nagkaroon na rin ng sariling YT channel ang kaniyang inang si "Mother Kween."

Lloyd Cafe Cadena Official Fan Account on Twitter:
Larawan mula sa Twitter/Lloyd Cadena

Isa rin sa mga sumakabilang-buhay dahil sa sakit na acute myeloid leukemia noong 2020 ang nakaaaliw na YouTuber na si Emman Nimedez, na nakilala naman sa kaniyang mga parody ng Korean dramas. Bukod sa pagiging vlogger, siya rin ay direktor, aktor, at short film maker. Napasama siya sa sitcom ng ABS-CBN na "Luv U" kasama sina Jairus Aquino at Michelle Vito.

EmmanNimedezTV - YouTube
Screenshot mula sa YT/Emman Nimedez

Ngayong 2021, inanunsyo naman ng JaMill na hihinto na sila sa vlogging at mamumuhay na lamang nang simple. Bago nila idelete ang kanilang YouTube channel, mayroon itong mahigit 12M subscribers. Ibinebenta na rin nila umano ang kanilang mga properties na naging katas ng vlogging. Ayon sa usap-usapan, kaya umano nila ginawa ito ay upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis sa BIR.

Camille Trinidad confirms, explains 'deletion' of JaMill YouTube Channel –  Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Samantala, marami rin sa mga celebrities ang pinasok na rin ang vlogging, kahit na sikat na sikat na rin sila sa larangan ng telebisyon o sa iba pang larangang pinasok nila. Ilan sa mga ito ay ang premyadong newscaster na si Karen Davila na kamakailan lamang ay naging viral dahil sa kaniyang reaksyon nang malamang magka-birthday sila ni Lyca Gairanod, at syempre, hindi rin pahuhuli si Phenomenal Star Vice Ganda.

Para naman sa ibang mga celebrities na wala na sa limelight ng showbiz, nagbigay-daan ang vlogging upang malaman pa rin ng mga tao kung kumusta na nga ba sila at kung ano-ano na ang pinagkakaabalahan nila sa kanilang pribadong buhay. Kahit paano ay napasisilip nila ang kanilang mga tagahanga sa sitwasyon nila sa kasalukuyan. Isang magandang halimbawa riyan ang dating Kapamilya star na si Rica Peralejo, na ngayon ay happily married na kay Joseh Bonifacio na isang pastor. May dalawa na silang anak.

Is this Karen Davila's take on Bea Alonzo's transfer to GMA? – Manila  Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Rica Peralejo – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Big new beginning for Vice Ganda – Tempo – The Nation's Fastest Growing  Newspaper
Larawan mula sa Tempo

Ang mga nasa listahan ay ilan lamang sa mga kilalang YouTubers sa Pilipinas, subalit kung titingnan at susuriin ang YouTube, ay napakarami pa nila.