Patuloy ang paglakas ang panawagan kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagkapresidente sa 2022 elections matapos magpahayag ng suporta ang Citizens' Movement at mga alkalde sa iba't ibang panig ng bansa.
Sinabi ni House deputy speaker Rep. Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon Party-list at spokesperson ng Hugpong ng Pagbabago kay Sara (HPS), na ang suporta sa kanilang organisasyon ay lalo pang lumalakas dahil sa kanyang matatag, independent personality at pagsusuri sa palagay niya ay napakahirap na trabaho ng isang presidente.
“The interesting thing about this movement is that a lot of people who are jumping into the bandwagon were not supporters of Mayor Sara in the beginning, but are gradually attracted by her quiet yet potent character which symbolizes for them genuine change,” ani Herrera.
Aniya, bilib sila kay Sara dahil sa pagiging malayang personalidad, pagkakaroon ng malayang pag-iisip at pananaw.
“They seem to get drawn to the fact that Mayor Sara has a mind of her own, does not care about being at odds withher father’s views and is taking a great deal of thought to whether she will run for president or not,” dagdag pa niya.
Nilinaw ni Herrera na ang HPS ay isang organisasyon na binubuo ng "business people, academics, economists, local government officials, legislators and common citizens who aremarshaling their efforts towards coming up with a platform of government, hopefully under the stewardship of Sara.”
Binanggit niya si Mayor Florabelle Uy Yap ng San Narciso, Quezon province, na nagsabing hindi niya kilala nang personal si Duterte-Carpio, pero humanga siya sa kanyang political will sa implementasyon ng mga programa sa kanyang lungsod, lalo na ang tungkol sa peace and order, pamumuhunan sa infrastructure, turismo at paglikha ng mga trabaho.
Labindalawang alkalde mula sa Negros Occidental ang nag-endorso sa kandidatura ni Sara sa 2022, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na inaasahang kabilang sa 12 senatorial candidates ng PDP-Laban Cusi faction.
Bert de Guzman