Sinabi niWHO Philippines country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa isang pulong balitaan na ang Delta variant na nga ang maituturing na "dominant" na variant ng coronavirus sa bansa.

"The information we have clearly shows that now, already, the Delta variant has emerged as the dominant variant,” ayon pa kay Abeyasinghe.

“With this kind of transmission, with these kinds of numbers, we are in community transmission of the Delta variant,” aniya pa.

Nabatid na ang community transmission ay nangangahulugan na mayroon nang clustering ng mga kaso ng sakit at hindi na matunton ang pinagmulan nito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, sinabi pa ni Abeyasinghe na halos 70% ng mga samples na isinailalim sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa sa bansa ay nagpositibo sa Delta variant.

Nilinaw naman ng opisyal na wala pang nakikitang ebidensiya ang WHO na airborne ang Delta variant.

“The evidence we have is that the Delta variant, although more transmissible, is still largely transmitted in aerosols. It's not an airborne transmission,” aniya pa.

Sinabi rin niya na ang pagsusuot ng dalawang face masks ay hindi rin garantiya na protektado na ang isang indibidwal laban sa Delta variant, lalo na aniya kung hindi naman maayos ang pagkakasuot ng mga ito.

“You don't need double masking… what you need is diligence in following the minimum public health standards,” aniya pa.

Base sa pinakahuling tala ng DOH, umaabot na ngayon sa 1,789 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Delta variant sa bansa.

Sa naturang bilang, 38 pa ang nananatiling aktibong kaso hanggang noong Agusto 27.

Mary Ann Santiago