LABRADOR, Pangasinan— Namatay ang isang dating miyembro ng Criminal Gang Group nang maka-engkwentro ang mga awtoridad matapos salakayin ang kanyang lugar sa Greenfield St., Brgy. Dulig kaninang kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Rodel Padilla, 49 na naunang nagpaputok ng baril sa mga pulis at doon na nagkabarilan.

Nangyari ang insidente dakong 3:30 ng umaga. Ang pagsalakay ng Labrador Police at SWAT ay kaugnay sa implementasyon ng Search Warrant No. T-068-2021 August 24, 2021 for RA 10591 na inisyu ni Hon. Judge Rusty M. Naya, Executive Judge of RTC First Judicial Region Br 51, Tayug, Pangasinan.

Nagtamo si Padilla ng sugat at nagawa pang isugod sa Lingayen District hospital subalit dead on arrival na ito.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Liezle Basa Inigo