Maaaring umabot sa tatlo hanggang apat na milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa bago matapos ang taon, ayon sa University of the Philippines (UP) Pandemic Response Teamnitong Martes, Agosto 31.

“Ito pong projections namin kung titingnan, lumalabas ang cumulative cases possible tayo lumagpas ng three million at even four million bago matapos ang 2021,” ayon kay Dr. Jomar Rabajante ng UP Pandemic Response Team sa kanyang panayam sa DZMM Teleradyo.

Nitong Lunes, Agosto 30, nakapagtala ang bansa ng 22,366 na bagong kaso ng COVID-19 na kung saan ito ang pinakamataas na single-day record simula nang magkapandemya noong Marso 2020.

“Marami mga scenarios kaming sinumulate. Posibleng mas bumilis, mas tumaas. Posibleng ‘yung ating mga interventions ay maging epektibo o bumaba, pero itong pagbaba sa aming mga simulation ay kokonti lang ang scenarios na lumabas na ganito,” ani Rabajante.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Hindi lang po sa NCR, sa buong bansa —-Region IV, III, hanggang Visayas, Mindanao– matataas po at dire-diretsong pagtaas ang mga kaso,” aniya.

Jaleen Ramos