Naglaan ang gobyerno ng P20.8 bilyon para sa pagkuha at pasuweldo ng mas maraming health workers laban sa pandemya.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na ang P17 bilyon ay gagamitin sa pag-hire ng 26,035 health professionals na itatalaga sa “underserved hospitals" o mga lugar, at P3.8 bilyon para ipondo sa emergency hiring ng 6,810 COVID-19 Human Resources for Health (HRH).

“This, I believe, will help our common efforts to sustain our COVID-19 response efforts while supporting the gradual transition to full recovery,” ani Romualdez na ang tinutukoy ay ang P5.024-trillion national budget para sa 2022.

Sa pagdinig, sinabi ni DBM Undersecretary at officer-in-charge Tina Rose Marie Canda na ang naturang halaga o pondo ay tugon sa katanungan ni Albay Rep. Edcel Lagman kung ang national budget ay maituturing na isang anti-Covid-19 budget.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Unang tinanong ni Lagman si Finance Secretary Carlos Dominguez kung ang National Expenditure Program ay gagamitin sa paglaban sa pandemya.

Ayon kay Dominguez, ang budget ay gagamitin din sa edukasyon at infrastructure bukod sa Covid-19 sapagkat mahahalaga rin ang mga ito.

Nagkasundo sina Lagman at Dominguez na ang NEP ay isang “all-purpose budget.”

Samantala, hinimok ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang kapwa mga mambabatas na bilisan ang approval ng dalawang panukala na naglalayong pagkalooban ang health workers ng hazard pay at taasan din ang kanilang overtime pay at iba pang benepisyo.

Sa kabilang dako, iginiit ni Vice President Leni Robredo na walang dahilan ang gobyerno para hindi i-release ang mga benepisyo para sa health workers sapagkat ang 2021 budget ay ginawa at pinagtibay sa panahon ng pandemya.

Bert de Guzman