Nahuli ng isang gwapong pari ang puso ng mga netizens sa kanyang viral na larawan online.

Sa iba't-ibang Facebook post, pinusuan ng netizens ang mga larawan ni Fr. Ferdinand "Ferdi" Santos, isang Pilipinong pari, Philosophy at Theology professor at isang licensed fitness instructor.

Larawan: Fr. Ferdi Santos/FB

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, nagbahagi ng kaunting karanasan si Fr. Ranhilio Aquino, San Beda University Graduate School of Law dean na kung gaano kabuti si Fr. Ferdi.

Sa kanyang Facebook post, nakilala niya si Fr. Ferdi noong nasa post-doctoral siya at estudyante naman ito at minsan na silang magkasama sa klaseng Process Metaphysics.

Larawan: Fr. Ferdi Santos/FB

Hinangaan ni Fr. Aquino ang husay ni Fr. Ferdi dahil bukod na PdD holder ito at licensed fitness instructor, ay nagawa nitong bitawan ang isang mataas na pwesto sa U.S. upang bumalik sa Pilipinas para lamang maglingkod sa ilang simbahan sa bansa.

"…he gave up the prestigious position of Rector of St. John Vianney Seminary in Florida that has both philosophy and faculty theologies to return to the Philippines to work in depressed parishes. Laus Deo!" ani Fr. Aquino.

Sa ngayon, kasalukuyang wala pang opisyal na parokya ang paglalagihan ni Fr. Ferdi ngunit target na nitong pagsilbihan ang nga lugmok na simbahan.