Nagwithdraw na sa ginaganap na Tokyo Paralympic Games ang Filipino discus thrower na si Jeanette Aceveda.
Ito'y matapos silang magpositibo sa COVID-19 test ng kanyang coach na si Bernard Buen.
Ang nasabing kaganapan ay ibinalita ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo.
Labis na ikinalungkot ni Aceveda na hindi na matutupad ang kanyang pangarap na makalaro sa Paralympics na nakatakda sana ngayong Martes, Agosto 31.
Kapwa sumailalim sa mandatory daily saliva antigen test sa Paralympic Village sina Aceveda at Buen bago isinagawa ang confirmatory RT-PCR tests.
Ang dalawa ay kasalukuyang nasa isang isolation facility.
“Notwithstanding this setback, our Para athletes are more determined than ever for a chance to achieve Paralympic success and glory for our country,” ani Barredo.
Si Aceveda ang ikalawang Filipino Para athlete na nagpositibo sa Covid-19 tests.
Nauna sa kanya si Para powerlifter Achelle Guion na hindi nakasama sa Tokyo matapos magpositibo sa virus bago pa man umalis ang delegasyon ng bansa patungong Japan.
Marivić Awitan