Trending sa Twitter ang #DapatSiLeni matapos ang sit down interview ni Vice President Leni Robredo sa vlog ni Toni Gonzaga na “Toni Talks” na inupload nitong, Linggo, Agosto 29, 2021.

Sa interview ni VP Leni, ibinahagi niya ang kanyang buhay noong bata pa siya hanggang sa makilala niya ang kanyang asawa na si dating DILG Secretary Jesse Robredo at maging ang kanyang unexpected journey sa politika.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Screenshot mula sa vlog ni Toni Gonzaga

Pangarap ni Leni na maging abogado noong bata pa lamang siya.

“Ako [pangarap ko] mag-abogado. Hindi siguro pangarap pero parang naimpose kasi siya sa akin. Naalala ko nung maliliit pa kami, para samin— tatlo kaming magkakapatid eh. Parang sinasabi ng parents ko na ako yung pinakamasipag na mag-aral pero nung mga bata pa kami ako yung sobrang hilig magbasa, mahiyain ako eh,” pagbabahagi ni Robredo.

Nakilala niya si dating DILG secretary Jesse Robredo nang magtrabaho siya sa Bicol River Basin Development Program na kung saan economic researcher siya at boss naman niya si Jesse.

Taong 2012 nang mangyari ang plane crash na kung saan namatay si dating DILG secretary Jesse Robredo.

Ani Robredo, hindi pa raw umano sila nakakapagluksa ng maayos sa pagkamatay ng kanyang asawa. Kaya umano nahihirapan siya magmove-on.

Taong 2015 naman, ayaw umano patakbuhin ng kanyang pamilya, maging ang kanyang mga anak si Leni sa pagkabise presidente.

“Ako ano lang, I felt na I had to.” sagot ni Leni nang matanong siya kung ano yung rason bakit siya tumakbo.

Hindi umano naging madali ang naging karera ni Leni sa pagiging bise presidente bukod sa mga pagsubok na pinagdaanan niya ay may mga natatanggap siyang mga “fake news” tungkol umano sa kanyang personal na buhay maging sa pagtatrabaho.

“Mahirap siya in the sense na syempre nanay ako, widow ako, sasabihin ka na ‘you have an affair with a married man,’ ngayon yung sinasabi ngayon may affair ako with somebody na 18 years younger than I am. Alam mo ‘yun?” paglalahad ni Leni.

“Ako kasi tingin ko, ‘yung clear conscience is the best eh,” dagdag pa niya nang tinanong siya kung paano niya hinahandle ang ganitong sitwasyon.

Pinaka ayaw umano marinig ni Leni mula sa mga tao ay ang sabihin na “wala siyang ginagawa.”

“Siguro ‘yung wala akong ginagawa. Kasi marami nagsasabi na kontra raw ng kontra wala naman ginagawa. Pinaka ayaw ko ‘yun dahil feeling ko natatawaran masyado ‘yung ginagawa ng staff namin. Na nakikita ko— ang karamihan kasi sa mga staff ng Office of the Vice President mga young people— young and idealistic people,” aniya.

“'Yung mga staff ko dito, halimbawa may disaster, mga hindi na umuuwi… so kapag sinasabihan akong wala akong ginagawa feeling ko insulto ‘yun sa kanila. So I really take it personally,” dagdag pa niya.

“Pero pagdating sa trabaho, ‘pag sinabi mong hindi ako nagtatrabaho nang maayos, dinadamay mo ‘yung lahat ng staff and I think sobrang unfair ‘yun, kasi wala naman silang pakialam sa politika. Alam mo ‘yun? So sakin, okay na ‘yung personal pero ‘pag trabaho mag-aaway tayo,” paglalahad pa ni Robredo.

Kaugnay nito, ang pinaka gustong naririnig ni Leni pagdating sa trabaho ay ‘yung “malinis na pamamalakad" sa Office of the Vice President.

“Siguro ‘yung pagdating sa work, ‘yung malinis— malinis na pamamalakad,” ani Robredo.

“‘Pag sinabi na uy okay ‘yung OVP kasi malinis ‘yung pamamahala. Ang ano ko affirmation. Affirmation siya na hindi-- hindi affirmation ko, pero affirmation siya ng lahat ng ginagawa namin dito,” dagdag pa niya.

Isa sa mga fulfilling part umano ng pagiging bise presidente ay “they were able to change lives.”

Ayon pa kay Leni, hindi raw niya umano tinitingnan na personal accomplishment ang pagiging bise presidente, nang tinanong siya kung ano ang babaunin niyang experience kung sakaling bumaba na siya sa pagkabise presidente.

“‘Yung sakin kasi Toni, ‘di ko siya tinitignan na parang personal accomplishment. ‘Yung honor sakin is not the position or the title, pero ang honor sa akin is the platform that was given to me to make a difference in the lives of the communities and the people we help,” ani Robredo.