Kumpiyansa ang gobyerno na sisigla ang ekonomiya ng bansa sa pagpasok ng 2022.

Ito ang reaksyon niCommunications Secretary Martin Andanar matapos ihayag na papayagan na nilangbuksan ang lahat ng negosyo sa susunod na taon upang makabawi sa pagkalugi na dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Sa ngayon aniya, patuloy pa rin ang aksyon ng pamahalaan upang labanan ang epekto ng pandemya, lalo na nitong nakaraan lockdown na ipinatupad sa Metro Manila dahil sa tumataas na kaso ng Delta variant.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pinagtutuunan aniya ngayon ng pansin ng pamahalaan ang paglikha ng mga polisiya para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa

“Ang ating pakikipaglaban sa COVID-19 ay napaka-crucial. Hindi lang ito laban para sa ating kalusugan.Laban din po ito para masiguro natin na nakalatag po yung mga plano ng ating pamahalaan para makabalik ang mga negosyante, ang ating mga kababayan ay makabalik din sa kanilang trabaho, at ang tuluyang pagbukas ng ekonomiya," banggit ni Andanar.

Gayunman, hindi pa rin aniya isinasantabi ang ipinaiiral na safety at health protocols laban sa virus.

Argyll Geducos