Kinakiligan ng mga netizens ang simpleng caption sa Facebook post ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao.

"God gave me you!" simpleng mensahe ni Pacman para kay Jinkee, kalakip ang kanilang larawan habang sila ay magkasama, at nasa tila resort sila. Makikita sa likod nila ang isang malaking bundok.

Larawan mula sa FB/Manny Pacquiao

Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

Ang 'God gave me you' ay sumikat na kantang inawit ng American singer-songwriter na si Bryan White, na naging theme song ng phenomenal loveteam na "AlDub" sa kasagsagan ng Kalyeserye ng Eat Bulaga noong 2015.

Kinilig naman ang mga netizens sa mag-asawang Pacquiao. Nagbigay ng komento ang ilan.

"You're my idol boss Manny Pacquiao, spread the love and positivity!" sabi naman ng isa.

"Beautiful picture of a beautiful husband and wife. I love your family!" turan ng isa.

"You are blessed! Through the poorest of times and the times no one believed in you, she always did and never left. Her support, respect and love for you was there always! She is blessed and so are you! More so because you are both bold and strong believers who always stand for Jesus! Manny, just be who you are in Christ and don’t worry about what everyone says- just worry about what God will say. Your wife, Jinkee, is just as blessed as you!" wika ng isa.

Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang isang sales attendant ng isang cosmetics brand bago sila nagkakilala ni Manny Pacquiao, noong hindi pa ito sikat. Naging daan ang tiyuhin ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, upang magkakilala sila.

Jinkee writes an emotional letter to husband Manny Pacquiao after defeat to  Ugas in Las Vegas – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Ikinasal sila noong taong 2000 at nagkaroon sila ng 5 anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Dumaan man umano sa pagsubok ang kanilang relasyon dahil sa mga babaeng naugnay kay Manny, hinding-hindi umano sila papagupo at mananatiling matatag.