Napatawad na ng pamilya ng napatay na mag-inang sinaSonia at Frank Anthony Gregorio ang sinibak sa serbisyong si Police Staff Sgt. Jonel Nuezca na nahatulan ng dobleng life imprisonment, kamakailan.

Sa pahayag ni Mark Christian Gregorio, sobrang saya nila nang ilabas ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court ang hatol ni Nuezca kaugnay ng pagkakapaslang sa kanyang ina at kapatid noong Disyembre 2020.

“Masaya po kami buong pamilya po dahil ‘yun 'yung binabang hatol ng korte at ‘yun po sabi ni papa at least napanatag na siya na makakapagtrabaho na po siya and may peace of mind na po kaming lahat," ang bahagi ng pahayag ni Mark Christian sa isang televisioninterview.

Kahit aniya, hindi pa humihingi ng kapatawaran si Nuezca, nararamdaman nito na nais na ng dating pulis na gawin ito. 

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

"Siguro po personally, hindi po siya makakahingi ng sorry kasi kumbaga wala naman po siyang communication sa amin pero feeling ko deep inside gusto niya humingi ng sorry. Ang amin lang po nila papa, napatawad na po namin siya ‘yun nga lang po kailangan  niyang pagdusahan 'yung mga nagawa niyang kasalanan," pagdidiin nito.

Nitong Agosto 26, inilabas ni Judge Stela Marie Gandia-Asuncion ng Paniqui RTC Branch 106, ang hatol ni Nuezca kaugnay ng pagpatay nito sa mag-ina sa harap ng kanilang bahay dahil lamang umano sa pagpapaputok ng rebentador ni Frank malapit sa bahay ng dating pulis noong Disyembre 20 ng nakaraang taon.

Richa Noriega