Matapos ang pagkatalo ni Manny Pacquiao sa laban niya kay Cuban boxer Yordenis Ugas, nagbigay ng mensahe ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na walang sawang nakasubaybay at nananalangin sa kaniya, simula pa noong unang sumalang siya sa boxing stage at nagdala ng karangalan sa bansa, hanggang sa kasalukuyan na siya ay hindi na pinalad.

Ayon sa kaniyang Facebook post, ginawa niya umano ang 'best' niya. Nasa punto na umano ang kaniyang boxing career na ipinauubaya na niya sa Panginoon ang lahat.

"I have come to this point in my career by the grace of God. It is He who gave me the strength to fight. I can look back and honestly say that I gave my best. My family and you, the fans, have been with me all the way. I will not focus on the defeat, but instead count my blessings. God bless everyone!" pahayag ni Pacman.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Larawan mula sa FB/Manny Pacquiao

Sa isa pang pinned Facebook post, patuloy niyang pinasalamatan ang Diyos, ang kaniyang pamilya, at ang sambayanang Pilipino.

"I want to thank God for giving me the strength to fight. I thank my family for always standing beside me. I wish to congratulate Ugas and his team. Although I hoped for a different outcome, I wish him the best," aniya.

"Thank you to the fans all around the world who were watching. Thank you to every Filipino that has ever supported me. I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best. From the bottom of my heart, THANK YOU! God bless you all! Mabuhay!" pahayag pa ni Pacman.

Nitong Agosto 29 ay nakabalik na sa Pilipinas si Pacman kasama ang misis na si Jinkee, mula sa kaniyang pamamahinga mula sa kaniyang laban kay Ugas. Bago tuluyang umalis sa LA ay pumirma pa siya ng autographs at nakapagpa-picture pa sa mga staff at crew ng Philippine Airlines.

Larawan mula sa Twitter/Steve Angeles

Larawan mula sa Twitter/Steve Angeles

Larawan mula sa Twitter/Steve Angeles

Senator Manny Pacquiao and wife Jinkee aboard PAL's PR 103 flight from Los Angeles, California bound for Manila on Aug. 29, 2021 (Manila time).
Larawan mula sa Twitter/Steve Angeles

Aniya, bukas umano siya sa isang re-match laban kay Ugas. Hinihintay rin ng publiko ang kaniyang mga susunod na plano sa kaniyang political career.