Kamakailan lamang nagreact ang netizens sa mamahaling kasuotan ni Jinkee Pacquiao sa katatapos lamang na laban ng asawa nitong si Manny.
Ilan sa mga flinex ni Jinkee ang mga bags nitong libo-libo ang halaga. Saan nga ba kumukuha si Jinkee ng pera upang makolekta ang mga mamahaling gamit nito?
Si Jinkee Capeña Jamora-Pacquiao ay tubong General Santos. Ipinanganak siya noong Enero 12, 1979.
Sa taong 1991, nagtapos si Jinkee ng elementarya sa Kitagas Elementary School. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Notre Dame of Kiamba at nagtapos noong 1995. Samantala, pumasok siya ng kolehiyo sa kursong computer programming sa AMA Computer College.
Nagtrabaho si Jinkee bilang beauty consultant nang makilala nito si Manny noong 1998 at siya namang pinakasalan niya taong 1999. Ngayon, mayroon na silang anak na sina Emmanuel Jr., Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel Pacquiao.
Taong 2013, tumakbo si Jinkee bilang bise gobernador ng Sarangani. Tagumpay ang naging kampanya nito kaya naman ay naging politiko ito ngunit sa loob lamang ng tatlong taon. Nagdesisyon si Jinkee na bitawan na ang politika kaya naman matapos ang unang termino nito, hindi na siya muling tumakbo.
Ngunit hindi ordinaryong politiko si Jinkee. Inamin nito na hindi niya kinukuha ang sweldo niya bilang politiko bagkus ibinibigay niya ito sa mga taong nagso-solicit sa kaniyang opisina.
Bukod sa pagiging beauty consultant at politiko, isa ring celebrity si Jinkee. Isa sa mga endorser at model ng kilalang beauty company na Belo Medical Group.
Nagkaroon rin siya ng hilig sa pelikula kaya naman lumitaw rin ang kaniyang pangalan sa ilang palabas.
Taong 2008 nang maging executive producer si Jinkee ng pelikulang Anak ng Kumander. Ginampanan rin niya ang kaniyang sarili sa mga dokumentaryong The Fighters, taong 2012, at Manny, taong 2014.
Bukod dito, marami ring negosyo ang mag-asawang Jinkee at Manny. Ilan sa mga ito ay ang Pacman Sports Bar at Pacman Wildcard Gym . Clothing store tulad ng Jinkee’s Fashion World at Team Pacquiao Store. Hotel at resort tulad ng Roadhaus Economy Hotel at JMP Shalom Travel and Tours at Pacman Beach Resort.
Bukod dito mayroon din silang negosyo hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa tulad ng pag-iinvest sa Singapore-based sports media company na One Championship.
Hindi na nakakapagtaka na sa dami ng negosyo nilang mag-asawa ay bukod sa mamahaling damit at bags, mayroon din silang naipundar na bahay tulad ng GenSan White House, Laguna Mansion, Los Angeles Two-story Home sa California, at Beverly Hills Mansion sa U.S.