Magsasagawa na ng house-to-house ang Caloocan City government upang matukoy kung sino pa sa mga residente ang hindi pa natutukuran ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang iniutos ni Mayor Oscar Malapitan sa City Health Department (CHD) na tutulungan ng barangay health workers upang maipatupad ang sistem
Hihikayatin lamang aniya ang mga residente na magpabakuna bilang isa sa panlaban upang hindi na lumaganap pa nang husto ang sakit.
Sa kasalukuyan, nasa 2,567 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod kung saan 56 percent o 1,432 katao na tinamaan ng sakit ang hindi pa bakunado.
OrlyBarcala