Sa pinakabagong upload sa Youtube ni Karen Davila nitong Agosto 28, nakapayam ng broadcast journalist ang mag-asawang high profile model actress na si Heart Evangelista at Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Pinag-usapan ng mag-asawa sa naturang panayam ang naging takbo ng kanilang relasyon sa loob ng anim na taon, kabilang na ang miscarriage ni Heart taong 2018 para sana sa unang twin babies ngmag-asawa.

Binalikan ni Heart ang dinanas na “online bashing” sa kabila pa man din ng pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay.

Pagsasalaysay ng aktres, si Chiz ang naging sandalan niya at nagpaalala na bahagi ng kanyang buhay bilang public figure ang maging bukas ang kuwento sa maraming tao.

National

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

Laarawan mula sa Instagram ni Heart

“You’re blessed, you earned from it [being a public figure] and you can’t stop the bad side with it. It hurts because I’m only human,” pagbabahagi ni Heart.

“My weakness is my power because it makes me real up to a certain level,” dagdag ng aktres.

Sa tanong ni Davila kung susubukan pa ng mag-asawa na magkaroon ng anak, ‘yes’ ang siguradong sagot ni Heart at Chiz.

“Actually, we were trying before my soap and when my soap happens, it’s a good opportunity for Sorsogon, so parang okay, we’ll set it aside and then we’ll try again,” pagbubunyag ni Heart.

Kasunod namang binahagi ni Chiz na inakala rin ng aktres na buntis ito kamakailan lang.

Sa pagpili ng prayoridad kung sakaling magdalang-tao ulit ang aktres sa gitna ng kabi-kabilang proyekto, siguradong sagot nito ang pagkakaroon ng “balance.”

“I’ve always been like a fighter in terms of like, just because you’re a wife you have to stay home, just because you’re married to a politician you have to be this way; I cannot, my body rejects that,” pagpapaliwanag ni Heart.

“It’s not right that you stop your life and not be yourself and stop your career and your dreams just because you eventually share it with your child, but it’s really more balancing it: know your tolerance, rest,” dagdag ni Heart.

“Adjust, listen to your body and talk to your doctor,” pagsasang-ayon naman ni Chiz.

Sunod namang tinanong ni Davila kung may target ang mag-asawa kung kailan sila dapat magkaroon ng anak.

“No, na, before meron like I was so strict with my timetable. If it doesn’t happen [to have kids], I’m actually okay na, sincerely I am,” pagbubunyag ni Heart.

“I want one. Actually we want one, it’s just the pressure. We want to get out of that frame. If it happens, it happens and it’s God’s gift. It’s not as if we’re not trying to,” pagbabahagi naman ni Chiz nang tanungin kung gusto nitong magkaroon ng anak kay Heart.

Binahagi rin sa panayam ang ilang natutunan ng mag-asawa sa isa't isa kabilang na ang pagiging stepmom ni Heart sa kambal ni Chiz.

Natapos ang part 1 ng episode sa isang pasabog na tanong ni Davila kung payag ba si Chiz na muling makapareha ni Heart ang kilalang ex nitong si Jericho Rosalez.

Kasalukuyang mayroong 333, 318 views na ang content na ito sa Youtube.