Isang Manilenyo ang masuwerteng nakapag-uwi ng jackpot na₱5,940,000ng Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado.
Sa pahayag ni PCSO General Manager Royina Garma, nasolo ng nasabing winner premyo matapos mahulaan ang six-digit winning combination na 21-25-41-02-17-29 na binola ng PCSO, dakong 9:00 ng gabi.
Pinayuhan din ni Garma ang lucky bettor na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at dalhin ang winning ticket at dalawang valid IDs upang makuha nito ang premyo.
Mary Ann Santiago