Dreams come true para kay Francine Diaz na mabilhan ng sariling bahay at sasakyan ang kaniyang pamilya, mula sa katas ng kaniyang mga pinagpaguran.

Ayon sa panayam ni Dra. Vicki Belo kay Francine na mapapanood sa kaniyang vlog na pinamagatang "Showbiz Journey of Belo Baby Francine Diaz," pangarap niya talaga ang magkaroon ng sariling bahay dahil naranasan nilang magpalipat-lipat noon ng tinitirhan.

"Gustong-gusto po kasi talaga namin ng sariling bahay. Actually palipat-lipat nga kami. Ngayon nakakatuwa po, kasi mayroon na kaming house and may car na rin. 'Yung top two na sobrang kailangan namin, 'yun po 'yung inuna ko," pagbabahagi ni Francine.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Screenshot mula sa YT/Vicki Belo

Screenshot mula sa YT/Vicki Belo

Screenshot mula sa YT/Vicki Belo

Screenshot mula sa YT/Vicki Belo

Ayon kay Diaz, pangarap naman niya ngayon na mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid.

Para naman sa kaniyang sarili, nais niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Aniya, hindi umano panghabambuhay ang kasikatan at pagiging artista. Kapag nakatapos umano siya sa kolehiyo, balak din niyang magtayo ng sariling negosyo. Mas mainam na raw na maging handa sa mga posibleng mangyari sa kaniyang showbiz career.

“Kasama sa dream ko 'yung sa college. Kasi I believe hindi naman pang-forever 'yung fame. So kailangan parati ka may fallback na mayroon kang ititira for yourself. And 'yun 'yung gusto, ko mag-college ako para kahit papaano, if ever magtayo ako ng business. Kung mawalan man ako, pero huwag naman sana ngayon, ng work, at least mayroon pong naka-[antabay] sa akin na puwede kong pagkaabalahan in the future,” aniya.

Sa ngayon daw ay masaya naman si Francine sa kaniyang trabaho bilang aktres. Unang nakilala si Francine bilang "Cassie" sa hit teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nabuo ang "Gold Squad" kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at ang kanyang katambal na si Kyle Echarri.

Larawan mula sa IG/Francine Diaz

Sa ngayon, mapapanood ang apat sa Primetime teleseryeng "Huwag Kang Mangamba" sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.