Naglabas ng saloobin sa kanyang Youtube Channel ang singer at komedyanteng si Ethel Booba tungkol sa sumikat na viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilala sa pangalang "Madam Inutz." Kasama sa vlog ang partner ni Ethel na si Chef Jessie Salazar, Boobita, Boobsie Wonderland, Donita Nose at Super Tekla.

Nagdesisyon silang magsalita para linawin at maayos ang mga bagay bagay dahil sa umabot na binabash si Ethel ng mga netizens. Nagsimula ito sa video na nakapost sa Tiktok ni Ethel na isang pasaring o pang-asar lang sa kaclose na manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino sa nangyaring insidente sa pagbisita nila sa house ng talent nito.

Ang buong istorya ay ibinahagi nila Ethel. Nais lang daw nilang puntahan si Madam Inutz dahil gusto itong makita ng komedyanteng si Boobsie Wonderland na aminadong fan ng trending na online seller. Bukod sa gusto rin nilang matikman yung masarap na siomai nila Madam Inutz.

Paglilinaw nila wala silang planong makipagcollab o magvlog muli nang mismong moment na iyon. Sad to say hindi raw humarap si Madam Inutz o sumilip man lang. Sa nangyaring iyon naging masama ang loob ni Ethel dahil alam niyang nakapagbuild na sila ni Madam Inutz ng friendship mula noong nagvlog sila at nagkaroon ng instant communication.

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

Ayon naman kay Boobsie bilang respeto nagpersonal message pa raw si Jessie (partner ni Ethel) sa bagong manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino para sabihing pupunta sila at magpapapicture sa talent niya.

Sey ni Ethel, “Ako nahuhurt ako kasi pumunta ako doon as a tao tapos binibida kita (Boobsie Wonderland) tapos kumatok ako tapos nagulat yung bakla itong si Ronnie sabi niya ganoon hay! Nakita niya si Jessie yung mukha niya pero nasa likod ako e. Nandodoon na tayo sabi niyang ganoon wait lang kuya ha. Anong kailangan ninyo po? Tapos sabi ni Jessie ay hindi kami magvovlog nandito kami kasi ano gusto lang makita ito si Boobsie to. Tapos wait lang ha tapos sinara yung pinto. Sinara matagal nga e diba sinara ng ganoon tapos maya maya diba gumaganoon nga ako sabi ko parang napahiya ako. Napahiya ako that time.” Dito na umiyak si Ethel.

Aniya, “For me as Ethel Booba ang tagal ko na dito sa larangan na ito parang pupunta ako as a tao nagpakumbaba ako kasi binibida kita e (Boobsie Wonderland). Kasi parang feeling ko friend ko na siya (Madam Inutz). Ako sobrang ano din ako na tao na parang bihira lang din ako makapagkampante ng tao na nakakahalubilo ko. Nahurt ako in away na napahiya ako sayo e (Boobsie Wonderland). Napahiya rin ako sa mga tao doon na nasarhan ako. Sinara yung pinto. Oh my God sabi ko.”

Giit ni Ethel respeto man lang daw as kaibigan sana ipinakita man lang daw yung mukha ni Madam Inutz. Kahit pa raw sabihing under management ito nilabas man lang daw sana yung mukha ni Madam Inutz. Sa sama ng loob daw ni Ethel doon na siya gumawa ng video na ipinost sa kanyang Tiktok. Nabebreak nga lang ang emosyon kapag may mga hirit na patawa si Super Tekla na nakakaaliw namang tunay.

Sa mga bashers saad ni Ethel, “wala kayong alam!” Sa ending ng vlog hatid nila ang maging positibo. Humingi rin sila Ethel ng sorry sa manager ni Madam Inutz and everything is ok na raw. Dahil aminado rin silang may mali sa naging sitwasyon. Pero pareho raw silang nagkamali. Kay Madam Inutz sana raw mag-hi and hello lang daw kapag may bumibisita sa kanya.

Samantala, nagsalita na rin si Wilbert Tolentino sa kanyang FB live. Pinoint out niya ang courtesy call o magpaalam muna. Sana raw maintindihan nila yung policy niya kaya raw hindi siya nagpapasok lalo't ngayong pandemic. Ang mga safety protocols ang tinutukoy ni Wilbert para na rin sa kapakanan ng nanay ni Madam Inutz na mayroong sakit.

Sabi pa ni Wilbert kung tinuturing daw siyang kaibigan nila Ethel sana raw hindi na sila gumawa ng Tiktok na naging issue pa. Sobrang nadepress din daw siya for two days, nasaktan at nalungkot dahil hindi raw nila naintindihan ang katayuan niya bilang isang manager ni Madam Inutz na ang hangad ay para sa career at sa nanay nito.

Taliwas sa sinabi ni Boobsie wala raw siyang natanggap na text para magpaalam sila Ethel at dumiretso lang daw ang mga ito. Pag-amin pa ni Wilbert wala raw siyang sama ng loob kay Ethel. Dagdag pa niya i-segregate raw ang friendship sa trabaho.

Panawagan pa niya sa mga nagbabash kay Ethel tigilan na raw nila ito. Hanep si Madam Inutz dahil pangalawang issue na ito sa kanya magmula nang kumawala sa Star Image. Talagang pinag-uusapan ng mga tao. Ang lakas naman kasi niyang makagood vibes everytime bumubuka na ang bibig, lalo na at in character kapag nag-oonline selling na ito. Real talk kung real talk.

Balitang may boses din ito so abangan ang kanyang pagkanta. Yun na!

Dante A. Lagana