Umaabot na ngayon sa kabuuang 1,789 ang kaso ng Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtalapa ang Department of Health (DOH) nitong Linggo ng karagdagan pang 516 bagong kaso ng variant na natukoy sa pinakahuling batch ng samples na isinailalim nila sa whole genome sequencing.

Sa ulat ng DOH,University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at ngUniversity of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), bukod sa Delta variant (B.1.617.2), may natukoy din silang bagong 73 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 81 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 P.3 variant cases,mula sa 748 samples na sinuri, galing sa 67 laboratoryo ng iba't ibang Regional Epidemiology and Surveillance Unit(RESU).

Sa ulat, sa karagdagang 516 Delta variant cases, 473 ang local cases, 31 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 12 kaso pa angbiniberipikakung lokal oROF.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Mula naman sa 473 local cases, aabot sa 114 kaso ang mula sa National Capital Region (NCR); 24 ang naitala sa taga-Ilocos Region; 32 kaso sa Cagayan Valley; 64 kaso sa Central Luzon; 79 kaso sa CALABARZON; 20 kaso sa MIMAROPA; 16 kaso sa Bicol Region; 13 sa Western Visayas; 23 sa Central Visayas; 12 sa Zamboanga Peninsula; 48 sa Northern Mindanao; 22 sa Davao Region; at anim naman sa Cordillera Administrative Region.

Sa case line list, anim pa sa mga kaso ang nanatiling aktibo; lima ang nasawi at 505 ang nakarekober.

Sa karagdagan namang 73 Alpha variant cases na natukoy, 71 ang local cases at dalawa ang ROF cases, gayunman, nakarekober na ang mga ito.

Aabot na sa 2,395 ang kabuuang kaso ng Alpha variant sa bansa.

Sa 81 naman na Beta variant cases, aabot sa 78 ang local cases, dalawa ang ROFs habang isa ang biniberipika pa kung local o ROF case.

Tatlo sa mga ito ang namatay at 78 ang tuluyang nakarekober.Sa kabuuan, mayroon nang 2,669 total Beta variant cases sa bansa.

Naidagdag naman sa listahan ang 41 na P.3 variant cases na pawang local transmission lamang, kabilang ang isang namatay at 40 ang nakarekober.

Mary Ann Santiago