Isa sa mga kinagigiliwan sa noontime show na 'Eat Bulaga' sa GMA Network ang pinakabata at pinaka-cute nitong host na si Sebastian Granfon o mas kilala bilang 'Baeby Baste' Dahil sa kasalukuyang pandemya at bilang pagsunod sa quarantine guidelines at protocols, hindi na tuloy nakikita sa naturang noontime show si Baeby Baste. Pokus kasi siya ngayon sa kaniyang online class. Subalit ano na nga ba ang kaniyang pinagkakaabalahan?

Larawan mula sa IG/Baeby Baste

Kamakailan lamang ay itinampok si Baeby Baste sa 'Stories of Hope' ng GMA Network. Aniya, miss na miss na niya ang mga kasamahang Dabarkads.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Sobrang-sobrang sad po ako na hindi na ako maka-work sa Eat Bulaga, at miss na miss ko na po ang Eat Bulaga at mag-work doon sa kanila,” ani Baste.

Screenshot mula sa YT/Stories of Hope

Bukod sa online class, abala rin pala si Baste sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya. Nagbibigay umano siya ng pagkain, nakikisabay kumain, at nakikipaglaro sa mga batang nasa St. Agnes Orphanage sa General Santos City.

“Sobrang happy po ako na mag-give ng mga love sa other people tapos ma-appreciate po nila ‘yan,” pahayag pa ni Baste. Kuwento pa niya, nagkaroon pala siya ng sariling donation drive para sa mga frontliners, kabilang na ang mga police officers tulad ng kanyang ama.

Tumutulong din umano si Baste sa mga gawaing-bahay at nag-eehersisyo. Nakahihiligan niya ngayon ang boxing. Natutuo umano siya ng disiplina at self-defense. Nahihilig na rin ang bagets sa pagluluto. Ang madalas daw niyang lutuin ngayon ay tuna pasta.

Kaya naman, may mensahe siya sa lahat ng mga Dabarkads sa panahon ngayon ng pandemya.

Larawan mula sa IG/Baeby Baste

“Don’t lose hope, don’t lose faith. Always pray to God and all will be fine," sabi niya.

Si Baeby Baste ay 9 na taong gulang ngayon.