Nananatiling mahigpit ang awrahan at pasiklaban sa Miss Universe Philippines (MUP) ngayong taon sa sunod-sunod na challenges na kailangang lampasan ng mga delegates.

Nitong Sabado, Agosto 28, naglabas ang Empire Philippines ng bagong pasabog sa kanilang Youtube channel matapos isapubliko ang naging virtual interview challenge ng Top 50.

Inaasahan ng pageant fans ang muling pangunguna ng frontrunners dahil sa sunod-sunod na top placements ng mga ito sa mga naunang challenges kabilang na ang video introduction challenge, video casting challenge, at ang pinag-usapan ng sambayanan, ang runway challenge.

Kabilang sa consistent placement maker, early favorites at tinaguriang frontrunners ng kompetisyon ngayong taon ang pambato ng Cebu Province na si Steffi Rose Aberasturi, kinatawan ng Masbate na si Kristen Danielle Delavin, Taguig’s bet Katrina Dimaranan, Pangasinan representative Maureen Wroblewitz, Laguna’s pride Leren Mae Bautista, at ang Tiktok star mula San Juan na siRousanne Marie Bernos.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Para sa ilang pageant followers, game changer kung maituturing ang interview challenge kung saan masusukat hindi lang ang ganda ng mga kandidata kundi maging ang talas ng kanilang kaalaman at ang kakayahan na ibahagi ito.

Hindi na lingid sa lahat na isang spokesperson ang hinahanap ng Miss Universe Philippines kung kaya’t tradisyunal na parte ng bawat beauty pageant ang question and answer portion at interview challenge.

Tila nagbago ang takbo ng kompetisyon matapos itanghal ang Top 7 sa ginanap na challenge, kung saan si Bernos lang sa mga nabanggit na frontrunners ang tanging napabilang sa placement!

Larawan mula Miss Universe Philippines' Facebook Page

Nanguna sa kudaan ang Cavite’s pride na si Victoria Velasquez Vincent na sinundan ng Paranaque’s bet na si Maria Ingrid Santamaria. Nasa pangatlong bilang naman si Bernos na sinundan ni Isabelle De Los Santos ng Makati. Pang-lima ang pambato ng Bukidnon na si Megan Julia Digal, pang-anim ang Cebu City’s representative n si Beatrice Luigi Gomez at pang-pito ang kinatawan ng Marinduque na si Simone Nadine Bornilla.

WATCH: Miss Universe Philippines Interview Challenge (Part 1)

Ngayon pa lang ang tanong ng mga pageant enthusiasts -- sino ang mangingibabaw sa kompetisyon pagdating sa stage performance kung saan mas malaking pressure ang kailangang harapin ng mga kandidata.

Nitong linggo, ilang mga pageant fans ang dismayado sa MUP organization matapos umanong gawing “pera-pera” lang ang takbo ng kompetisyon.

WATCH: Miss Universe Philippines Interview Challenge (Part 2)

Matatandaan na sa voting system idinaan ang ilang mga challenges at maging ang top 3 most voted candidates sa kasalukuyang Top 50 ay aabante na sa Top 30.

Wala pang reaksyon ang MUP sa mga naturang komento.

Kokoronahan ang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe sa darating na Setyembre 25, 2021.