LA TRINIDAD, Benguet – Iniulat ng Department of Health (DOH) na unang naitala ang apat na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) Delta variant sa lalawigan.

Kinumpirma ng DOH nitong Sabado, Agosto 28, na dalawa sa nasabing kaso ay mula sa La Trinidad at tig-isa naman sa Tuba at Buguias.

Patuloy na nagpapagaling ang dalawa sa mga ito -- isang 34 taong gulang na lalaki na taga-Buguias at isang 32-anyos na lalaki na taga-La Trinidad.

Tuluyan namang naka-recover ang ikatlo sa mga ito na taga-Tuba habang ang ika-apat na isang 56-anyos na lalaki na taga-La Trinidad ay binawian na ng buhay.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa rekord ng DOH, na-confine ito sa isang ospital sa lalawigan nitong Agosto 7 at matapos ang anim na araw ay namatay na ito.

Agad namang nanawagan si Govenor Melchor Diclas sa mga kinatawan ng Health Cluster of the Provincial Inter-Agency Task Force for CoVID-19 upang palawigin ang paghihigpit sa COVID-19 restrictions.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng contact-tracing ang DOH sa nasabing kaso.

Noong Biyernes, Agosto 7, naitala ang 90 na bagong kaso ng sakit na dumagdag sa active cases na 605 sa buong lalawigan.

Sa gidelines na ipinalabas ni Diclas, ipinagbabawal nitong lumabas ng bahay ang below 15 years old, over 65 years old, sa mga taong may immunodeficiency, comorbidity, o ibang health risks at pregnant women.

Inatasan na rin ni Diclas ang Benguet Provincial Police Office na ipagpatuloy ang istriktong implementasyon ‘no negative RT-PCR test or proof of being fully-vaccinated, no entry’ for non-Benguet residents sa mga border checkpoints upang hindi na lumaganap pa ang sakit.

Zaldy Comanda