TABUK CITY - Mahigit sa ₱500 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Kalinga Provincial Police Office (KPPO) kaugnay ng pinaigting na anti-drug operations ng pulisya sa nakaraang walong buwan.

Sa datos ng KPPO, kabilang sa mga nakumpiska ang marijuana plants, seedlings, shabu, hashish, dried marijuana at stalks, mula Enero hangang Agosto 25 ng taon.

Sa loob ng walong buwan, nakapagtala ang mga awtoridad ng 63 anti-illegal drugs operation kung saan aabot sa₱548,699,492.12 halagang iligal na droga ang narekober, mas malaki kumpara sa kanilang 2020 anti-illegal drugs accomplishment na nakapagtala ng kabuuang halagang₱440,480,514.592, mula sa 103 drug operations sa loob ng isang taon.

Isinagawa ang sunud-sunod na anti-drug operations alinsunod na rin sa kautusan ni KPPO director Col. Davy Limmong matapos itong maitalaga bilang provincial director noong Mayo 2020.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sinabi ng pulisya, isa sa "hotspot" ng taniman ng marijuana ang lalawigan kaya walang humpay ang kanilang operasyon.

Sa datos ng Kalinga PPO, nakapagsagawa sila ng 63 drug operation sa loob ng walong buwan,kabilang ang dalawang marijuana eradication mula sa 13 plantation sites sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga, noong Agosto 24-25.

Kabuuang ₱548.6M halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng pulisya sa serye ng operasyon.

Zaldy Comanda