Ayon kaySenate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Sabado, Agosto 28,payagan na ng gobyerno na makabili ng sariling coronavirus disease(COVID-19) vaccinesang pribadong sektor.

“I believe the private sector can really help complete our vaccination drives all over the country once we open up and allow them to buy from vaccine manufacturers,”sabi ni Zubiri.

“Imagine if all the private companies vaccinate all their employees without expense to the government,”dagdag niya.

Naniniwala rin si Zubiri na magandang ideya rin kung gagawing available ang mga bakuna sa mga pharmacies sa bansa, subalit hindi pa naglalabas ng Certificate of Product Registration ang Food and Drug Administration (FDA) na maari nang makapagbenta ng bakuna sa publiko.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“That will help us achieve herd immunity faster and ensure we have possible booster shots for our people,”dagdag ng Senate Leader.

Nauna nang binatikos ni Zubiri ang national government sa mabagal nitong pagtugon sa mga requests ng 40 local government units at ilang 300 private firms.

Pag-aakusa ni Zubiri noong Agosto 25 sa isang Senate hearing, maaaring pinipigilan umano ng awtoridad ang pamamahagi ng bakuna para akuin ang credit sa programa ng pagbabakuna.

“Para sa ganon pagdating sa halalan, masabi ng gobyerno: ‘Kami ang nagbakuna sa inyo at wala nang iba,” tanong ni Zubiri.

Agad naman itong itinganggi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez. Aniya, nanatiling “uncertain” ang suplay ng mga bakuna sa bansa.

Dagdag pa ng vaccine czar, pansamantalang tumigil umano sa pagtanggap ng orders ang Moderna at Aztrazeneca.

Samantala, nagpahayag din ng suporta si Zubiri na mabakunahan na rin maging ang mga bata.

“So I’ll be very wary about opening face to face classes in the meantime because the kids can get seriously ill now, with this Delta variant. And I hope they can bring in the vaccines, so they can start inoculating children as well.”

Vanne Ellaine Terrazola