Binatikos ng isang civil society group ang pagsuporta ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar sa “tokhang”-style operations laban sa mga communist groups sa Cordillera.
Ito’y matapos suportahan ni Eleazar ang “Dumanum Makituntong” (Seek and Talk) plan ng Cordillera Regional Peace and Order Council.
“It is widely known that the ‘tokhang’ method does not, in any way, respect the basic rights of the people. Years of its implementation only resulted in violations and injustices. It even normalized the ‘nanlaban’ narrative which deprived victims of due process of law and even led to killings,”pahayag ni Council for People’s Development and Governance (CPDG) Spokesperson Liza Maza nitong Biyernes, Agosto 27.
Matatandaang inanunsyo ni Prosecutor of the International Criminal Court (ICC) Atty. Fatou Bensoudaang pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa kaugnay ng inilunsad na war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Parte rin anila ng Oplan Tokhang ang “tanim-ebidensya” kung saan nagtatanim umano ng mga baril at pampasabog ang pulisya upang arestuhin ang mga aktibista.
Nangangamba rin ang grupo sa maaaring epekto ng mga nasabing operasyon sa mga kanayunan sa darating na Halalan 2022.
“The government, especially its law enforcement personnel, should ensure free elections and the exercise of its citizens’ right to vote, without intimidation and harassment,” sabi ni Maza.
Siniguro naman ni Eleazar na ang paglaban nila sa Communist Party of the Philippines-National People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay nakapaloob pa rin sa pagtugon at pangangalaga sa kaparatang-pantao.
Gabriela Baron