Kasunod ng mga audit reports sa ilang bilyong pisong halaga ng mga pondong hindi nagasta, nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa mga ahensya ng gobyerno na ‘wag nang humiling ng budget kung hindi naman kayang gamitin, sa halip ay siguruhin na lang na nabibigyang prayoridad ang ilang mahalagang programa.

“All these reports about government agencies underspending or not using their approved budgets is worrisome. Mas marami sana tayong nailaan na pondo para sa COVID-19 response at recovery program,” ani ni Sotto nitong Biyernes, Agosto 27.

Binigyang-diin ni Sotto ang pangungutang ng bansa para sustinido ang mga hakbang laban sa krisis ng pandemya para masayang lang sa mga ahensya ng gobyerno.

“Why ask money from Congress for projects which you know you cannot fulfill? Why ask for money which you will not use anyway? You are wasting funds which could be used for more important programs, such as for mass COVID-19 testing, purchase of vaccines and other health services. There is also the special risk allowance for our healthcare workers,”ani ni Sotto sa mga department heads.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Samantala, may pag-aalinlangan din si Senator Joel Villanueva sa panukalang budget lalo na para sa Department of Health (DOH).

“Issues pertaining to the mismanagement of government funds, including underspending, obligating funds without disbursing, and releasing of funds to various entities without sufficient documentation, among other issues, are unacceptable,”sabi ni Villanueva.

Sa panukala ng National Expenditure Program na isinumite ng opisina ng Pangulo, mula P210.2 bilyong pondo ng DOH, nagkaroon ng 15.1 percent na pagtaas sa panukalang budget o nasa P242 bilyon para sa taong 2022.

Vanne Elaine Terrazola