CAGAYAN DE ORO CITY— Binuksan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 10 (Northern Mindanao) ang kauna-unahang pasilidad sa bansa na nagsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga “less-privileged” na pamilya.

Photo: DSWD Region X/FB

Ang bagong bukas na “Bahay Silungan” ay matatagpuan sa Manolo Fortich, Bukidnon. Ito ang kauna-unahang pansamantalang tahanan at learning center sa bansa upang mabigay ang pangangailangan ng mga bata at pamilya sa lansangan.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

“Inside the training center, they will be given life skills as part of the reintegration process to (mainstream society). They will be referred to the other agencies for the education of children and possible employment after earning an education,” paglalahad ni DSWD-10 Spokesperson Oliver Inodeo, nitong Biyernes, Agosto 27.

Dagdag pa ni Inodeo, taong 2019 nang simulan ang pasilidad at natapos ngayong 2021, kasama ang pagbili ng mga furnitures at iba pang kagamitan nito.

Kasya ang limang pamilya at 60 na street children sa nasabing 'bahay silungan' na mayroon ding family rooms, dormitories, kitchen, counseling area, clinic, activity area, at iba pang recreational amenities.

PNA