Umaapela si Speaker Lord Allan Velasco sa mga kongresista na talakayin at ipasa agad ang panukalang ₱5.024 trilyong national budget para sa 2022 upang maiwasan na mai-reenact ito sa gitna ng patuloy na pagkilos ng gobyerno laban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We, in the House of Representatives, need to get our act together to ensure swift and smooth passage of the 2022 national budget in order for the government to continue operating and provide much-needed services to the Filipino people as it is expected to,” aniya.
Inilabas ng mambabatas ang hakbang matapos magsimula ang deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa pamumuno ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, para sa pambansang budget.
Layunin aniyanito namalagdaanni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 General Appropriations Act sa Disyembre upang maiwasan ang reenactment namagpapabagalsa pag-angatng ekonomiya at makakahadlangsa pagkakaloob ng serbisyo ng pamahalaan.
Bert de Guzman