Mananatili sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region, Bataan, at Laguna simula Setyembre 1 hanggang Setyembre 7, 2021, ayon sa Malacañang.
Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakapagdesisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Disease na panatilihin ang tatlong naturang lugar sa MECQ "with same additional restrictions" sa dining, personal care services, at religious activities dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus (COVID-19).
Iba pang lugar sa ilalim ng MECQ na walang "additional restrictions:"
- Apayao
- Ilocos Norte
- Bulacan
- Cavite
- Lucena City
- Rizal
- Aklan
- Iloilo Province
- Iloilo City
- Lapu-Lapu City
- Cebu City
- Mandaue City
- Cagayan de Oro City
Ang mga sumusunod naman ay sa ilalim nggeneral community quarantine (GCQ) with heightened restrictions hanggang Setyembre 7:
- Ilocos Sur
- Cagayan
- Quezon
- Batangas
- Naga City
- Antique
- Bacolod City
- Capiz
- Cebu Province
- Negros Oriental
- Zamboanga del Sur
- Misamis Oriental
- Davao City
- Davao del Norte
- Davao Occidental
- Davao de Oro
- Butuan City
Regular GCQ naman hanggang Setyembre 7 ang mga sumusunod:
- Baguio City
- Santiago City
- Quirino
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Tarlac
- Puerto Princesa
- Guimaras
- Negros Occidental
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga City
- Zamboanga del Norte
- Davao Oriental
- Davao del Sur
- General Santos City
- Sultan Kudarat
- Sarangani
- North Cotabato
- South Cotabato
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Dinagat Islands
- Cotabato City
Kaugnay nito, ang mga hindi nabanggit na lugar ay sa isasailalim sa modified GCQ (MGCQ).
Dagdag pa ni Roque, ang mga pinakahuling community quarantine classifications ay hanggang Setyembre 7 lamang, ngunit maaari pang magbago ang community quarantine guidelines.
Argyll Cyrus Geducos