Hindi nagdalawang-isip ang concerned citizen na si Celine Sotto na taniman ng mga halaman ang nakatiwangwang na bahagi ng proyektong kalsada ng kanilang lokal na pamahalaan sa Liloan, Cebu City.

Ayon kay Celine, nagpuputik lamang ang nakatenggang kalsada kaya naman naisip niyang taniman ito ng mga halaman.

image.png
Larawan mula sa FB/Celine Sotto

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

image.png
Larawan mula sa FB/Celine Sotto

image.png
Larawan mula sa FB/Celine Sotto

Narito naman ang ilan sa reaksyon ng mga netizens.

"Minsan nga bagong gawa pa lang kalsada, bubutasan at huhukayin na ulit para gawin. Tapos kaya naman tapusin agad, iiwanan pa muna na nakatiwangwang lang. Dapat kapag may roadworks, nakapaskil yung pangalan ng contractor (if meron), contact person, picture nila tsaka timeline," sabi ng isa.

"Maganda pa nga. Hayan, tinaniman na ng malunggay at gabi, kung di pa na viral sa tanim di pa aayusin," wika naman ng isa.

"Ayaw n'yong ayusin ah, di gawing taniman ng may pakinabang," turan naman ng isa.

Matapos na maging viral, tinanggal na umano ng contractor ang mga halaman at nangako silang tatapusin na ang proyektong ito.