Sanib-puwersa ang Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines (UP) para palakasin ang biosurveillance capacity ng bansa.

Ito ang siniguro ni DOST Secretary Fortunato “Boy T. de laPeñamatapos tanggapin ang suporta ni Pangulong Duterte sa desisyon ng UP na palawigin pa ang kapasidad ng Philippine Genome Center (PGC) sa Visayas at Mindanao, at ang direktiba nito sa Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng pondo para sa pagpapalawak ng PGC.

“The DOST and UP are determined to strengthen the Philippine capabilities in the emerging technologies which include GNR- Genomics, Nanotechnology and Robotics which will bring about country readiness in frontier technologies,”paglalahad ng kalihim sa Facebook.

“These are now being realized and we experience first hand their benefits as in the case of PGC’s role in addressing pandemic concerns.”

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Agosto 27, Biyernes ang pag-apruba ng Duterte government na P295.7 milyon na pondo para sa pagpapalakas ng operasyon ng PGC sa Visayas at Mindanao.

Binanggit niDe laPeña na naitatag ang PGC sa pinagsanib na inisyatiba ng UP at DOST sa suporta ng Commission on Higher Education (CHED) taong 2009.

“In 2018 and 2019, the PGC facilities Philippine Genome Center Visayas and Philippine Genome Center Mindanao in UP Visayas and UP Mindanao, were made possible with DOST support,” sabi ni De la Peña.

Charissa Luci-Atienza