Patuloy pa ring gagamitin sa Pilipinas ang bakuna na ginawa ng US Vaccine maker Moderna matapos suspendihin ng Japan ang paggamit sa brand kasunod ng ulat ukol vaccine “contamination,” paglalahad ng Department of Health (DOH).

“Here in the Philippines, we inspect lahat po ng batches ng bakuna bago natin gamitin at wala ho tayong nakitang ganiyang kontaminasyon dito po sa ating mga na-deliver na Moderna,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado, Agosto 28.

“So we are not going to stop the implementation of our Moderna inoculation,”dagdag niya.

Inulat ng Reuters nitong Agosto 26 na itinigil ng bansang Japan ang paggamit sa 1.63 milyong doses ng Moderna vaccine nitong Huwebes, higit isang linggo matapos mag-ulat ang domestic distributor na kontaminado ang ilang vials ng brand.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Mula Agosto 21, 4,296,060 Moderna vaccine doses na ang dumating sa Pilipinas.

Analou de Vera