Bad news sa mga motorista.
Matapos ang tatlong magkakasunod na linggong bawas-presyo ng produktong petrolyo, asahan naman ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produkto sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng ₱0.60 hanggang ₱0.70 sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, at ₱0.15-₱0.25 na bawas-presyo sa gasolina.
Ang nakaambang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa tatlong linggong bawas-presyo sa produktong petrolyo sa mga petsang Agosto 10,17 at 24, umabot na sa ₱2.05 ang natapyas sa kerosene, ₱1.75 sa diesel at ₱1.45 naman sa gasolina.
Bella Gamotea