Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang ilang local government units (LGUs) na ilakip sa coronavirus disease (COVID-19) vaccination programs ang mga persons deprived with liberty (PDLs).
Pinunto ng ahensya na may karapatan sa kalusugan maging ang mga PDLs kagaya ng bakuna laban COVID-19 lalo pa’t karaniwang nagsisiksikan ang mga ito at mataas ang risk of infection sa mga piitin.
Paglalahad ng Bureau of Corrections (BuCor), nakasalalay sa mga LGUs ang vaccination ng mga PDLs.
Samantala, kinilala ng CHR ang local government ng General Santos City at Bocaue sa Bulacan na binigyang prayoridad ang pagbabakuna sa mga PDLs.
Nitong Agosto 20, nasa 484 sa 48,000 na PDLs sa mga piitin ng BuCor ang nababakunahan pa lang; 200 sa mga ito ay nakakulong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, 214 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, at 60 sa Davao Prison Penal Farm (DPPF) sa Daval del Norte.
Makalipas ang dalawang araw noong Agosto 22, 2,688 PDLs sa iba’t ibang Correctional Institution for Women (CIW) sa bansa naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Noong Marso 11, 2020, sinuspinde ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang jail visits sa 468 nitong pasilidad sa bansa.
Jel Santos