Tinatayang aabot sa 250 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,700,000 ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang babae sa Las Piñas City nitong Biyernes, Agosto 27.

Kinilala ni City Police chief, Col. Rodel Pastor ang mga suspek na sina Kimberly Cruz Teves, 19 at Christine Joy Magdatu Caballero, 18, kapwa nasa drug watchlist at residente sa naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Las Piñas City Police at Zapote Police-Sub-Station na nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawang suspek sa Manuyo Tramo St., Brgy. Manuyo Uno, dakong 1:15 ng hapon.

Nasabat sa dalawang suspek ang isang brown envelope na naglalaman ng ilang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu; cellphone at P1,000 buy-bust money na may kasamang boodle money.

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea