Viral ngayon sa Facebook ang post ni Dane Bautista kung saan dinayo niya ang live railroad crossing kung saan hinango ang opening credits ng sikat na anime na “Slam Dunk.”

Lugar kung saan hinango ang railroad crossing sa Slam Dunk

“One childhood bucketlist achieved!” pagmamalaki ni Dane sa kanyang post nitong Agosto 20.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Matatagpuan sa Enoden line sa Kamakura City, Kanagawa, Japan ang sikat na railroad crossing.

Larawan mula Slam Dunk

Ayon sa panayam ng Balita kay Dane, malaking bahagi umano ng kanyang childhood ang hit anime na Slam Dunk.

Sa katunayan, simula elementarya ay fan na si Dane ng popular na anime series.

Samantala, nag-upload ng panibagong Facebook post ngayong Biyernes, Agosto 27 si Dane kung saan ibinahagi niya ang isang video sa likod ng viral photo.

Kasalukuyang nasa Japan si Dane bilang estudyante para tapusin ang Masters program niya sa Yokohama National University.

Samantala, makikita sa kanyang Facebook posts ang ilan pa sa mga lugar na nilibot ni Dane sa bansang Japan.

Larawan mula sa Facebook ni Dane Bautista

Larawan mula sa Facebook ni Dane Bautista

Nasa mahigit 23,000 reactions at 31,000 shares na ang naturang Facebook post.