Marami ang dismayado kay Pen Medina matapos niyang sabihin na hindi epektibo ang pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19.
Isa na rito ang dating TV host na si Kiko Rustia.
“Idol ko pa naman to sa teatro at tv (sad face),” aniya sa kanyang Twitter account.
Namataan si Pen Medina sa isang protesta sa Senado na pinangunahan ng Gising Maharlika group nitong Huwebes, Agosto 26.
Sa isang video na inupload ni DZBB Super Radyo Sam Nielsen, tinanong niya si Pen Medina kung bakit tinututulan nito ang paggamit ng face mask.
“Napag-aralan ko na. Kasi po ang face mask malalaki ang hibla niyan, yun pong coronavirus, ang mga virus, maliliit po,” ani Medina.
“Kumbaga hindi pa rin ito na identified. Kumbaga sa lineup ng pulis hindi pa na pinpoint kung sino yung kriminal na virus.” dagdag pa niya.
“Ito pong virus na ito, para kang naghahanap sa buhangin, sa isang beach na pagkarami-raming buhangin, at yung buhangin microscopic, di mo siya makikita sa mata mo lang. Kailangan gumamit (ng microscope)… Hindi pa po nila nakikita yan, tas may sinasabi ng variant… At yan po ay lulusot po, kahit na anong mask. Dahil sobrang, sobrang pagkaliit-liit.” ayon pa sa aktor.
Agad naman binanatan ng mga netizen si Pen.
“Mr. Pen Medina, how dare you! Hindi ka eksperto sa larangan ng infectious disease,” ayon sa isa.
“Ay wow. So you want people to discredit the recommendations of intelligent doctors, scientists, virologist from the World health, hospitals, research facilities, etc to wear masks for protection? Who are you?? lol.”
Sinabi pa ng iba na "dangerous" ang pahayag ni Medina lalo pa't isa siyang celebrity.
“This is dangerous… lalu na… kung little to zero knowledge sya about this topic. Ako na well informed na at asawa ko na medical doctor… maraming hindi alam about this topic.. sya pa kaya.”“Our healthcare workers are literally fighting for their lives, dahil wala naman talagang tumutulong sa kanila. Pinapabayaan sila ng gobyerno. Let’s do everything we can to help them.”
Matatandaan na sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang mga face mask ay parte ng comprehensive strategy para pigilan ang transmission ng COVID-19 at maaaring makaligtas ng buhay.
“Make wearing a mask a normal part of being around other people. The appropriate use, storage and cleaning or disposal of masks are essential to make them as effective as possible,” ayon sa WHO.
Stephanie Bernardino