Nakahanda na ang lahat para sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Philippine Cup makalipas ang tatlong linggong pagkakatigil nito dahil sa biglang pagtaas muli ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila.

Inaprubahan ang hiling ng liga na maging venue ng kanilang mga laro ang Don Honorio Ventura State University (DHVSU) gym sa Bacolor, Pampanga.

"I would like to express my great appreciation to the endorsements of Governor Dennis Pineda and Congressman Dong Gonzales. Sobrang laki ng tulong nila," ang ipinost ni PBA Commissioner Willie Marcial sa PBA website.

Nagpulong ang PBA board of trustees sa isang online conference kasama si Marcial, deputy commissioner Eric Castro at executive assistant Mich Flores kung saan napagkasunduan na maging venue ng kanilang restart ang DHVSU gym.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"Kung walang problema, start na tayo September 1," sabi ni Marcial.

Ang huling laro ng PBA ay naganap noon pang Agosto 3 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa pagkakataong ito, limang araw sa isang linggo ang gagawin nilang pagdaraos ng mga laro.

Nakatakda silang magdaos ng tatlong laro o triple-headers tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo at double header naman tuwing Huwebes at Sabado na nangangahulugang tuwing Lunes at Martes ay walang laro. 

Marivic Awitan