Isinailalim muna sa 10 na araw na lockdown ang Navotas City Hall matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 28 na empleyado nito.

Sinimulan ang lockdown nitong Biyernes ng madaling araw hanggang Setyembre 6, ayon sa pahayag ng Office of the City Mayor.

Bukod sa city hall, ini-lockdown din ang Navotas Library, Navotas City Hall Annexat Bagumbayan Elementary School (DepEd Building1 and 2).

Sa Executive Order (EO) 196 na inilabas ni Mayor Toby Tiangco, bawal muna ang pagpunta sa mga nasabing gusali dahil pansamantala munang ihihinto ang lahat ng transaksyon.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bukas naman ang city human resource development office para sa skeleton workforcesa loob ng city hall atpara ayusin ang suweldo ng mga kawani at makapag-proseso ng kontribusyon at remittance.

Sinabi pa ng alkalde na naka-isolate na ang mga empleyado na nahawaan ng sakit  habang nagasagawa pa ng contact  tracing sa kanilang nakasalamuha.

Orly Barcala