Pag-aaralan ng Commissions on Elections (COMELEC) ang ilang panukalang palawigin pa ang election registration na nakatakdang magtapos sa Setyembre 30.
“Yes. We already instructed the law department to conduct a study on this,”sabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms matapos tanungin ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago kung magkakaroon ng extension ng voters’ registration.
Ayon kayKabataan, Tayo ang Pag-asa (KTAP) Head Convener Calvin Almazan, isang Comelec office sa Bacolod ang tatlong lingong naisara dahil sa COVID-19. Parehong opisina umano ang tumatanggap lamang ng 200 registrants kada araw at magsasara na sa oras na maabot ang quota ayon sa ulat.
Para kay Jandeil Roperos, Deputy Secretary-General for Campaigns and Advocacies of National Union of Students of the Philippines, “18 months of voter’s registration” ang nawala sa ilang bahagi ng bansa dahil sa lockdown.
Tinanong naman ni Elago ang Comelec kung bakit hindi nito pinalawig ang registration deadline sa kabila ng mga panawagan.
“What’s stopping Comelec from allowing the exteniton of at least onemonth. One month lang po ‘yan kumpara sa 164 days na nawala dahil po sapag sasarang mga voters registration,” tanong ni Elago.
Ani ni Casquejo, “technical aspects” sa paghahanda para sa 2022 general elections ang dahilan para ma-reject ang pagpapalawig.
Hindi naman ito tinanggap ng Kabataan representative na hindi nakikitang rason ang “technical preparation” para hindi bigyan ng pagkakataon na makaboto ang 12 milyon eligible voters.
“Yung isang buwan na extension ng resgistration pasok pa rin po yan sa ni-re-require ng ating batas na 120 days na preparation time bago ang date ng halalan. Kaya nakikita natin dito na walang malalabag na batas at nasa discretion po ng Comelec talaga at yung technical preparation kaya po makatulong diyan ang Kongreso,” sabi ni Elago.
“Di po natin dapat isakripisyo yung karapatan sa pagboto at karapatan sa pag pili ng mga susunod na lider,” dagdag niya.
Noreen Jazul