Kasalukuyang kinokonsidera ng Department of Health (DOH) ang alokasyon ng pondo ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine booster shots kung magpapasya ang mga vaccine experts panel na irekomenda ang paggamit nito sa susunod na taon.|

Bukas naman umano ang DOH sa pagbibigay ng booster shots sa oras na aprubahan ito ng mga vaccine experts.

“Equity and safety is what the government is trying to consider now. Hindi po natin sinasara ang pintuan natin. Alam natin na mangyayari at mangyayari ang booster shots na ito," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online forum nitong Biyernes, Agosto 27. 

Dagdag pa ni Vergeire, kasama na sa proposed budget ng DOH para sa 2022 ang posibleng pagbili ng COVID-19 booster doses. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Well hindi pa natin masasabi sa ngayon but there was this initial computation of P45 billion," aniya.

Binigyang-diin pa ni Vergeire na dapat magbabase sila sa science bago irekomenda ang booster shots.

“We always say that the Philippine government decides based on science and evidence. Hindi po tayo basta magkakaroon ng mga impulsive actions or ‘di kaya magkaroon ng desisyon," aniya.

“Kailangan po natin ng further evidence for us to see if it’s going to be safe for our citizens. Remember, ito pong mga bakuna sa COVID-19 ay mga bago pong plataporma. Hindi po ito mga decades na–na ginagamit ng mga bakuna," dagdag pa niya.

“Kailangan, kumpletuhin pa rin itong mga trials na ito and we can have full confidence in these vaccines. Until we can get sufficient evidence for this kind of practice like booster shots, hindi po tayo makapag rekomenda," ani ng opisyal.

Analou de Vera