Makatatanggap ng bagong bahay at lupa sa kani-kanilang probinsya sina Tokyo 2020 Olympic medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial.

Larawan: PSC

Ito ay ayon sa pangako ni Pangulo Rodrigo Duterte sa mga Olympians.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Hindi mo na ito kailangan– Well, maybe someday may mga relatives ka, kapatid mo, mag-sundalo rin, you might just keep it this time and think of what you should be doing. I’m going to give you one fully furnished, furnished na (already), it’s a house and lot in Zamboanga City,” pangako ni Duterte kay Diaz noong Hulyo 28.

Inanunsyo nina Philippine Commission Chairman Butch Ramirez at National Housing Authority General Manager Marcelino P. Escalada na kasalukuyan nang tinatrabaho ang mga bahay at lupa na ibibigay sa mga nagwaging atleta.

Ang mga bahay na ito ay mayroong dalawang palapag at maaari nang tirhan ng mga Olympians.

Larawan: PSC

Sa Setyembre 2, nakatakda ang turn-over ceremony ng bahay at lupa sa Zamboanga para kina Diaz at Marcial. Samantala, wala pang opisyal na anunsyo sa petsa ng pagtanggap nila Petecio at Paalam sa Davao.

Larawan: PSC

Matatandaang tumanggap rin ang mga Olympians ng bahay at lupa sa Tagaytay noong Agosto 18, na nagkakahalagang P5 milyon.

Basahin: Olympians Diaz, Petecio, Paalam at Marcial, magkakapit-bahay na sa Tagaytay

Ito ay mula sa Philippine Olympic Committee at inaasahang matatapos sa darating na Disyembre.