Copenhagen, Denmark – Nakatakdang bawiin ang lahat ng restrictions sa bansang Denmark simula Setyembre 10 matapos sabihin ng ilang health officials na hindi na banta ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, dala ng mas pinalawak na vaccination coverage.

Higit 70 porsyento ng mga Danes na ang nabakunahan kontra COVID-19.

“The epidemic is under control, we have record vaccination levels. That is why, on September 10, we can lift the special rules we had to introduce in the fight against Covid-19,”sabi ni Health Minister Magnus Heunicke sa isang pahayag.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Instagram: @rasmus_steen

Gayunpaman, hindi pa itinuturing na nagwakas na ang pandemya kaya’t handa pa rin umanong umaksyon ang gobyerno laban sa banta ng COVID-19.

Ang bansang Denmark ang isa kauna-unahang bansa na nagpatupad ng lockdown noong Marso 2020; ipinasara ang mga eskwelahan at ilang non-essential services at businesses.

Nitong Abril, namahagi ng “corona passport” ang pamahalaan para bigyangng accessang mga Danes sa mga restaurants, cinemas, gyms, at hair salons.

Binawi rin ang naturang requirement nitong Agosto 1 sa ilang bahagi ng bansa, at babawiin din ito sa ilan pang natitirang bahagi ng Denmark sa darating na Setyembre.

Gayunpaman, kailangan pa rin ang nasabing passport sa mga night clubs at iba pang malalaking pagtitipon hanggang Setyembre 10.

Agence-France-Press